30 tiklo sa illegal fishing
BATANGAS, Philippines – Umaabot sa 30-mangingisda ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa illegal fishing sa mga bayan ng Nasugbu at San Juan sa Batangas.
Kabilang sa mga naaresto sa bayan ng Nasugbu ay sina Pablo Agdan, boat captain; Allan Morales, Elmer Vilavesa, Milbert Villana, Marlon Vargas, Erwin Tolosa, Efren Llagas, Diosdado Luste, Cesar Dymos, Llandro Vicente, Extelito Pialogo, Avelino Arcangel, Vicente Arboro, Joel Saludar, Romeo Castillo, Esrael, Diasis, Ricardo Ojeda, Edmond Restoso, Antonio Sy at si Roberto Oliva.
Samantala sa bayan ng San Juan, naaresto naman sina Nonilon Paitan, Reygie Pancho, Marlon Escobal, Joel Rovedillo, Antonio Puerta, Raymond Orbida, Alvin Pardilla, Reymond Casuno, Sidoro Apilado, at si Roque Quemada kung saan nakumpiskahan ng 50 kilong iba’t ibang uri ng isda.
Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police chief, pinangunahan ng pulisya, Bantay Dagat at ni Marlon Limboc ang seaborn patrol operation laban sa illegal fishing noong Linggo at Lunes.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang basnig, pinong lambat at 5 kilong iba’t ibang isda kabilang na ang bankang Paul and Nikko na pag-aari ni Trinidad Ocampo ng 41C Abueg St., Rosario, Cavite.
- Latest
- Trending