Bus nag-dive: 8 utas

MANILA, Philippines - Kamatayan ang suma­lu­bong sa walo-katao ha­bang 51-iba pa ang na­sugatan makaraang ma­hulog ang pampasaherong bus sa malalim na bangin sa kahabaan ng matarik na tulay sa Tabuk City, Kalinga noong Martes ng hapon.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Army Sgt. Jamarie Ricardo, Christopher Cuesta, 24; Samson Au-as, Boy Alunday, Fran­cis Macling, Shanalyn Ca­wilan, 19; Jojo Baunoya at ang isa pa na bine­be­ripika ang pagkaka­kilanlan. 

Ginagamot naman sa Kalinga Provincial Hospital ang 51 nasugatan na kara­mihan ay pagkabali-bali ang buto  matapos maipit sa loob ng bus.

Sa ulat ng PNP Cor­dillera Administrative Region, naganap ang tra­hedya dakong alas-2 ng hapon kung saan binabag­tas ng Lovely Mae mini bus (AYA-268) ni Joseph Ma­iyao ang pakurbadang ma­tarik na tulay sa bulu­bun­duking bahagi ng Barangay Naneng nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Tuluy-tuloy na nahulog sa tulay ang bus na bumu­lusok pa sa malalim na bangin kung saan grabeng naipit ang mga pasahero nito. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments