Misis ng ex-mayor kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang negosyanteng misis ng ex-mayor ng bayan ng Mabuhay sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Sagasa, Zamboanga Sibugay noong Lunes ng hapon.Kinilala ang biktima na si Nena Toremocha, 62, asawa ni ex-Mabuhay Mayor Alfredo Toremocha. Sa ulat na ipinarating ni P/Senior Supt. Federico Castro sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas- 3:15 ng hapon kung saan walong armadong kalalakihan ang kumaladkad sa biktima pasakay ng bangkang-de-motor at sinasabing patungong bayan ng Alicia.Isa naman sa mga kidnaper ay positibong nakilala na si Abral Abdusalam ng Brgy. Timbang-Timbang sa bayan ng Alicia.

Show comments