^

Probinsiya

6 bulagta sa bakbakan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlong sundalo at tat­long rebeldeng New People’s Army ang napaslang ma­tapos na makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang grupo ng mga rebelde na nangangam­panya sa mga iniindorso nilang kandidato sa Paquibato District, Davao City kama­kalawa.

Sa ulat ng hepe ng Army’s 10th Infantry Division na si Major Carlos Holganza, na­ga­nap ang sagupaan sa liblib na lugar sa Barangay Lumiad, Paquibato District kung saan napatay sina Cpl. Moises Gaddawan, Pfc Caesar Gadot at Pfc Glenn Haro; pawang miyembro ng 69th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Base sa intelligence report, tinatayang tatlo o higit pa ang mga nasawi sa mga rebelde na binitbit ng mga nagsitakas sa kasamahang NPA.

Napag-alamang naka­tanggap ng ulat ang tropa ng militar kaugnay sa pre­sensya ng mga rebelde na nagsasa­gawa ng house-to-house campaign para sa mga inii­ndorso nilang kan­didato at partylist group.

Sinasabing ang mga kan­didatong ikinakam­panya ng NPA ay ang mga nag­bayad lamang sa ka­nilang grupo ng permit to campaign (PTC) fees na ipina­pataw sa mga puli­tikong tumatakbo sa iba’t-ibang posisyon sa gob­yerno.

BARANGAY LUMIAD

DAVAO CITY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

MAJOR CARLOS HOLGANZA

MOISES GADDAWAN

NEW PEOPLE

PAQUIBATO DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with