Karnaper dedo sa shootout
BULACAN , Philippines - Nagwakas ang pagiging karnaper ng isa sa dalawang kalalakihan makaraang makipagbarilan sa pulisya sa Barangay Capihan, San Rafael, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni P/Supt. Manuel Lukban, walang nakuhang identification card sa napatay na karnaper kung saan nakatakas naman ang kasamahan nito. Narekober naman ng pulisya ang dalawang motorsiklo, baril at mga bala. Base sa police report, lulan ng motorsiklo ang dalawang lalaki na walang helmet nang maparaan sa Comelec checkpoint. Nang parahin ng pulisya para sitahin ay pinaharurot nito ang motorsiklo at kasabay nito ay nagpaputok pa ng baril kaya hinabol naman ng pulisya kung saan napatay ang isa sa shootout.
Sa beripikasyon ng pulisya, ang kulay itim na motorsiklo (9171-CB) na sinasabing kinarnap ay nakapangalan kay Alicia Lopez ng Malolos City, Bulacan.
- Latest
- Trending