Mga kinarnap, plaka, shabu nadiskubre... Katayan ng mga sasakyan ni-raid

BULACAN , Philippines  — Matiya­gang pagmamanman ang naging susi upang madis­kubre ang malaking kata­yan ng mga kinakarnap na sasakyan mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila sa isinaga­wang ope­ras­yon ng pulisya kahapon ng umaga sa Am­paro Subdivision sa hang­ganan ng Caloocan City at San Jose Del Monte City, Bu­lacan.

Sa ulat ni P/Supt. Edwin Quilates, natagpuan ang katayan ng mga kinakar­nap na sasakyan sa liblib na bahagi ng nabanggit na lugar na sinasabing inu­upa­han ng Raymond Do­min­guez Group na respon­sable sa serye ng carnap­ping sa Bulacan at Metro Manila.

Nabatid kay P/Supt. Da­vid Poklay na nireren­tahan ng isang nagnganga­lang Benigno Victorino ng Brgy. Corazon, Calumpit, Bula­can ang nadiskubreng lote kung saan narekober ang tanker truck (TXH-783) na hinayjak ng grupo ni Do­minguez noong Abril 8 sa bayan ng Bacolor, Pam­panga.

Natagpuan din sa loob ng lote ang dalawang ba­gong pinturang tanker truck, 40 footer container truck, Mitsu­bishi Strada, at Toyota Hi-lux na pina­niniwalaang ki­narnap.

Narekober din ang ilang makina ng sasakyan, pi­yesa at 16 na pares ng pla­ka ng sasakyan, acetylene tanks at compressors, ilang gramo ng shabu at isang jacket na may tatak na PNP.

Pinaniniwalaang na­mang nakatakas ang mga mi­yembro ni Dominguez ma­tapos matunugan ang pag­dating ng pulisya.

May teorya rin ang mga awtoridad na may ka­ sab­wat na mga tiwa­ling pulis ang grupo ni Domin­guez bago pa isa­gawa ang pagsalakay kaya na­alerto ang mga kar­naper.

Show comments