^

Probinsiya

Mayoralty bet, 8 pa kinidnap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dinukot ng rebeldeng New People’s Army ang isang mayoralty bet at wa­long opisyal ng barangay habang nangangampanya sa Barangay Marayag, Lu­pon, Davao Oriental ka­makalawa.

Kinilala ni Army’s 10th Infantry Division spokesman Capt. Emmanuel Garcia, ang dinukot na si Independent mayoralty candidate Afran “Boy” Quinones.

Si Quinones at mga supporter nitong 8-opisyal ng barangay ay dinukot ng mga armadong rebelde na nakasuot ng fatigue uniforms ng military sa pangu­nguna ng isang Ka Benjie ng Sentro de Gravidad NPA Front Committee 18.

Taliwas sa unang na­paulat, klinaripika ni Garcia na pito pa lamang na mga barangay opisyal ang pina­walan at nanatili pa ring bihag si Quinones at supporter na si dating Kaga­wad Ronisito Pedro ng Barangay Marayag.

May kaugnayan sa permit to campaign fee (PTC) ang motibo ng pagdukot kay Quinones dahil humi­hingi ang mga rebelde ng malaking halaga bago ito pahintulutang makapa­ngampanya sa lugar.

Kaugnay nito, nakipag­negosasyon na si Compos­tela Valley Governor Arturo Uy sa mga rebelde para sa ligtas na pagpapalaya kay Quinones at isa pang ka­samahan nito.

Kasunod nito, hinostage naman ng mga rebelde si Nacionalista Party mayoralty candidate Jessie Cal­lano matapos itong hara­ngin habang nangangam­panya sa Sitio Kilayan, Brgy. Malixi, Tagbina, Suri­gao del Sur.

Nabatid na humihingi rin ang mga rebelde ng P50,000 sa kandidato ng Nacionalista Party sa pag-alkalde na si Jessie Cal­lano upang pahin­tulutang makapangampanya sa ka­nilang kontroladong te­ritoryo.

Ang grupo ni Callano ay pinawalan ng mga rebelde matapos ang 30-minuto kung saan ay nagbanta pang muli ang NPA na isa­sabotahe ang kam­panya nito kapag nabigong mag­bayad ng P 50,000 PTC fees.

BARANGAY MARAYAG

DAVAO ORIENTAL

EMMANUEL GARCIA

FRONT COMMITTEE

INFANTRY DIVISION

JESSIE CAL

KA BENJIE

NACIONALISTA PARTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with