Mag-asawang NPA sumuko

MANILA, Philippines - Nagdesisyong magbalik-loob sa mga awtoridad ang sina­sabing mag-asawa na miyembro ng New People’s Army sa Poblacion, Laak, Compostela Valley kamakalawa. Ki­nilala ang mag-asawa na sina Junifer Avila, alyas Ka Aweng, 23, ng Loreto, Agusan del Sur at Riezel Tolentino, alyas Ka Ivan, 18, ng Laak, Compostela Valley, at kapwa mi­yembro ng Sentro de Gravidad ng NPA Front 34. Bandang alas-9 ng umaga nang sumuko ang dalawa kay Army Chief Lt. Gen. Reynaldo Mapagu na bumisita sa Pob­lacion sa bayan ng Laak, Compostela Valley kamakalawa. Nabatid na si Tolentino ay 3-buwang buntis at nais na magba­gumbuhay alang-alang sa kanilang magiging anak. Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ng militar ang mag-asawang rebelde.

Show comments