^

Probinsiya

Poster nina Satur minarkan ng 'NPA ito'

- Ding Cervantes -

SAN FERNANDO, Pam­panga, Philippines — Ibinibintang ng Ka­bataan partylist sa Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippine ang mga markang “NPA ito” na isinapaw sa mga political poster ng mga militanteng kandidatong senador na sina Satur Ocampo at Lisa Masa sa Ilocos region.

Sinabi pa ng provincial coordinator ng Kabataan na si Janice Bugasto na nagpapa­dala rin ang Nolcom ng sulat sa mga lokal na kandidato sa rehiyon para bantaan ang mga ito laban sa pagsuporta sa mga progresibong kan­didatong senador at partylist group. Inaakusahan din ng sulat sina Ocampo at Masa ng pagkakasangkot sa pagpatay sa maraming miyembro ng New People’s Army na hinina­lang deep penetration agent ng militar. Ilang lokal na kan­didato rin anya sa Pampanga at Zambales ang nakatang­gap ng sulat na nagbabanta sa kanila laban sa pagsuporta kina Ocampo at Masa.

Mariin namang pinabu­laanan ng tagapagsalita ng Nolcom na si Major Rosendo Armas ang akusasyon ng Kabataan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINE

JANICE BUGASTO

KABATAAN

LISA MASA

MAJOR ROSENDO ARMAS

NEW PEOPLE

NOLCOM

NORTHERN LUZON COMMAND

OCAMPO

SATUR OCAMPO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with