^

Probinsiya

Pulis sa Maguindanao dinagdagan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa tumataas na insi­dente ng karahasan, nagpa­dala na ng karagdagang puwersa ang Philippine National Police sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang karagdagang mga pulis ay isinabak sa bayan ng Ampatuan upang maiwa­san ang posibleng paghihi­ganti ng pamilya ng bikti­mang pinatay na si Moha­madisa Sangki, tiyuhin ni Ampatuan Vice Mayor Razul Sangki na isa sa key witness sa Maguindanao massacre case.

Ayon kay S/Supt. Alex Linesses, police provincial director ng Maguindanao, ayaw nilang maging kumpi­yansa kahit inihayag na ng pamilya ng biktima na ilagay na ng mga ito sa kanilang mga kamay ang batas sa paghahanap ng hustisya.

Inihayag pa ni Linesses na nagpadala na sila ng mga pulis sa strategic areas sa Ampatuan at naglagay na rin ng security details sa mga miyembro ng pamilya Sangki na posibleng target ng kabilang grupo.

Magugunita na ang ma­im­pluwensyang angkan ng mga Ampatuan sa pangu­nguna nina dating Maguin­danao Gov. Andal Ampatuan Sr. at anak nitong si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr., ang itinutu­rong mastermind sa Maguin­danao massacre na ikina­sawi ng 57 katao kabilang ang 32 mediamen noong Nobyembre 23 ng nakalipas na taon.

ALEX LINESSES

AMPATUAN

AMPATUAN VICE MAYOR RAZUL SANGKI

ANDAL AMPATUAN SR.

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

MAGUIN

MAGUINDANAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SANGKI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with