2 PAGs ng mayor utas sa pulis
MANILA, Philippines - Dalawang kasapi ng private armed group ng alkalde ang kumpirmadong napaslang matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagbabantay sa Comelec checkpoint sa bisinidad ng Barangay Mabini sa bayan ng Rosales, Pangasinan. Isa sa napatay sa shootout ay si Armando Flores, kung saan narekober ang dalawang baril, mga bala at granada. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na naispatan ng pulisya ang dalawa na lulan ng motorsiklo na walang plaka sa kahabaan ng highway kung saan sa halip na huminto ay nagpaputok pa ng baril. Matapos ang maikling putukan ay duguang tumimbuwang mula sa motorsiklo ang dalawa.
- Latest
- Trending