Motorsiklo vs bus: 2 utas

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang nasa kritikal namang kon­disyon ang isa pa makaraang mabangga ng pampa­saherong bus ang motorsiklo sa Quirino Highway sa Barangay Cecilia, Tagkawayan, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga na­sawi na sina Shaina Malinao at Harry Margallo na kapwa re­sidente ng Del Gallego, Camarines Sur. Kasalukuyan na­mang inoobserbahan sa ospital si Sean Mendieta na na-comatose. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang mga bik­tima ay lulan ng motorsiklo nang makasalubong ang Cagsawa Bus na patungong Manila na minamaneho ni Domingo Blasa Jr. kung saan pormal naman kinasuhan.

Show comments