Motorsiklo vs bus: 2 utas
MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang nasa kritikal namang kondisyon ang isa pa makaraang mabangga ng pampasaherong bus ang motorsiklo sa Quirino Highway sa Barangay Cecilia, Tagkawayan, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga nasawi na sina Shaina Malinao at Harry Margallo na kapwa residente ng Del Gallego, Camarines Sur. Kasalukuyan namang inoobserbahan sa ospital si Sean Mendieta na na-comatose. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang mga biktima ay lulan ng motorsiklo nang makasalubong ang Cagsawa Bus na patungong Manila na minamaneho ni Domingo Blasa Jr. kung saan pormal naman kinasuhan.
- Latest
- Trending