OLONGAPO CITY, Philippines — Isang 80-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang mahulog sa may 100 talampakang bangin sa Barangay Kalaklan, Olongapo City kamakalawa ng kahapon. Magtatakip silim na nang maiahon ang bangkay ni Benito Dalida ng Kalaklan Street. Base sa police report, ang biktima na papauwi na sana mula sa palengke nang madulas at magtuluy-tuloy sa malalim na bangin.