^

Probinsiya

Mall gumuho: 5 katao dedo, 6 grabe

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng limang obre­ro habang anim iba pa ang malubhang nasugatan ma­ka­raang gumuho ang pa­der ng gusali ng mall sa Ba­rangay Tisa, Cebu City, Cebu kahapon ng mada­ling-araw.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Lyndon Melendrez, Arjel Ceniza, Teodulfo De­tu­mal at ang magkapatid na Christian at Donnie Dilan.

Patuloy namang gina­gamot sa Cebu City Medical Center ang mga suga­tang sina Roel Pasaje, 26; Arnel Pacible, 23; Joey Manceras, 36; Ricardo Villegas, 27; Noel Lucero, 23; at si Jerome Sios-e, 19.

Ang mga biktimang mang­­gagawa ng CYC Cons­truc­tion, ay gu­ma­gawa sa gu­sali ng Gaisano Capital sa F. Llamas St., Brgy. Tisa kung saan gu­muho ang itinatayong pa­der sa ikatlong palapag ng shopping mall.

Kasalukuyang nama­ma­hinga ang mga biktima para kumain nang gumuho ang tinatapos na konstruk­siyon ng gusali ng mall.

Sa pahayag ng mga ka­samahang obrero na kasa­lukuyan silang abala sa pagtatrabaho sa ground floor nang makarinig ng ma­lakas na ugong at kasu­nod nito ay ang pag­guho ng pader kasama ang kani­lang mga biktima na nahu­log mula sa ikatlong palapag.

Kaugnay nito, pansa­man­talang ipinatigil ng mga opisyal ng local na pama­haan ng Cebu City ang kontruksyon ng gusali ha­bang patuloy ang imbesti­gasyon.

ARJEL CENIZA

ARNEL PACIBLE

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

DONNIE DILAN

GAISANO CAPITAL

JEROME SIOS

JOEY MANCERAS

LLAMAS ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with