School, 2 bahay binomba

MANILA, Philippines - Niyanig ng pagsabog ang isang eskuwelahan at dalawang bahay makaraang magpaulan ng mga bala ng mortar ang mga armadong kalalakihan sa Barangay Pobla­cion sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao kama­kalawa ng madaling-araw. Sa report ni P/Senior Supt. Alex Lineses, naganap ang insidente dakong alas-4:40 ng madaling-araw. Nabatid na may anim na bala ng mortar ang pinawalan ng mga ’di-pa kilalang kalalaki­han kung saan tatlong bala ang tumama sa dalawang kabahayan habang isa pa ang tumama naman sa esku­we­lahan. Bagaman wala namang naiulat na nasugatan at nasawi ay lumikha ito ng matinding takot sa mga residente. Magugunita na noong Marso 21 ay dalawa-katao ang nasugatan sa mortar attack sa bahay ni Ampatuan acting Mayor Datu Zacaria Sangki. Joy Cantos

Show comments