Cavite idineklarang insurgency free
MANILA, Philippines – Idineklara na kahapon ng Armed Forces of the Philippines na insurgency free na ang Cavite kaugnay ng palugit ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tuldukan ang problema sa communist insurgency bago ang pagtatapos ng kaniyang termino.
Pormal na itinurnover ni Army’s 2nd Infantry Division Chief Major Gen. Jorge Segovia ang internal security operations (ISO) sa kontrol ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite sa pamumuno ni Gov. Ireneo “Ayong” Maliksi.
Sina Segovia at Maliksi ay lumagda sa memorandum of agreement (MOA) kaugnay ng pagsasalin ng kontrol sa ISO sa pamahalaang lokal na ginanap na seremonya sa kapitolyo ng lalawigan sa Trece Martirez City.
Ayon kay Army’s 2nd Infantry Division spokesman Col. Noel Detoyato na nangangahulugan lamang na bahala na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa anti-insurgency campaign sa Cavite.
Sa kabila nito ay mananatiling susuporta sa anti-insurgency operations ang tropa ng mili tar. - Joy Cantos
- Latest
- Trending