MANILA, Philippines – Kinidnap ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng nagsanib puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rogue element at Abu Sayyaf Group ang negosyanteng Swiso kung saan nakatakas naman ang kaibigan nitong Aleman sa naganap na insidente kamakalawa ng hapon sa Zamboanga City.
Kinilala ni Army’s 1st Infantry Division Chief Major Gen. Romeo Luthestica ang dinukot na si Charlie Riech,72 habang nakatakas naman sa mga kidnaper si Carl Reitchling, 67.
Nakatanggap ng impormasyon ang militar na grupo ni Basilan based Moro Islamic Liberation Front (MILF) sub-commander Malista Malaca at ang bagong lider ng Abu Sayyaf na si Kahir Mundos ang nagplano sa pagdukot sa biktima bago dinala sa Basilan.
Batay sa imbestigasyon, naganap ang pagdukot sa tahanan ng biktima sa Brgy. Patalon kung saan malapit sa dalampasigan
Napag-alamang si Riech ay dating co-owner ng malawak na rubber plantation sa Zamboanga.
Samantala, inatasan na ni AFP Chief of Staff Gen. Delfin Bangit ang Naval Forces Western Mindanao kaugnay sa naval blockade sa nasabing karagatan habang naglunsad na rin ng search and rescue operations para mailig tas ang biktima.