Ambus: PreÂsidente ng MAFC grabe
MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang presidente ng Mindanao Autonomous Foundation College makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa panulukan ng Cuevas at Antonio Street sa Barangay Matibay, Lamitan City sa Basilan kamakalawa. Nasa maselang kalagayan ngayon sa Dr. Torres Hospital si Hadji Ibrahim Hassan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Antonio Mendoza na nakarating sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima nang dikitan at ratratin ng mga armadong kalalakihan na lulan ng motorsiklo. Joy Cantos
- Latest
- Trending