CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Pinaniniwalaang away sa negosyo ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang negosyanteng Bumbay ng mga armadong kalalakihan sa harapan ng Stoney Kim Fashion Hous sa panulukan ng E. Angeles at Arana St. sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa. Idineklarang patay sa St. John Hospital si Kamaldeep Singh Brar, 30, ng Virgo St. Villa Grande Subdivision, Concepcion Grande. Batay sa police report, papasakay na ang biktima sa Nissan Frontier (CSG 656) nang lapitan at ratratin ng ‘di-pa kilalang lalaki. Ed Casulla