Trak vs bus: 2 dedo, 27 sugatan

BATANGAS, Philippines — Nag-Se­mana Santa sa semen­teryo ang driver at pahi­nan­te nito habang aabot naman sa 27 iba pa ang nasugatan makaraang mag­salpukan ang pam­pasaherong bus at kargo trak sa kahabaan ng South­ern Tagalog Arterial Road (STAR) sa Km. 95, Barangay Quilo, bayan ng Ibaan, Batangas kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Ins­pector Pablo Aguda, Ibaan police chief ang dala­wang namatay na sina Pe­pito Briones, 40, at Noriel Pe­tilo, 35, kapwa nakatira sa Barangay Galamay Amo, San Jose, Batangas.

Ayon sa police report, binabagtas ng Isuzu Elf truck (XFS-943) ni Briones ang kahabaan ng Star tollway patungong Batangas City nang sumalubong sa kanya ang umobertake na N. Dela Rosa Bus (DWK-254) kaya sumalubong si kamatayan sa pagsapit sa Km. 95 ng Barangay Quilo bandang alas-8:30 ng umaga.

Lasog si Briones mata­pos maipit sa harapan ng sasakyan samantalang na­matay naman si Petilo ha­bang ginagamot sa Batan­gas Regional Hospital.

Mabilis namang naisu­god ng mga emergency personnel ang 27 sugatan kabilang na ang drayber ng bus na si Gener Batukabe.

Nahaharap naman si Batukabe sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple injuries.

Show comments