Ebdane, inindorso ng 8 mayor

CANDELARIA, Zambales , Philippines  — Bitbit ng iba’t ibang partido at mga lokal na kandidato si dating Public Works Secretary Hermogenes Ebdane Jr. na tumatakbo sa gubernatorial race sa Zambales.

Kasama na ni Ebdane sa naglibot sa mga barangay ang magkatunggali sa mayoralty race sa Candelaria na kapwa sumusuporta sa kanyang kandidatura. “Narito kami upang mangampanya para kay Sec. Ebdane, at upang sigu­ruhin na s’ya ang magiging susunod na gobernador,” pahayag ni Mayor Jean Misa-Moraña, muling kakan­didato (Lakas-Kampi-CMD). “Ang gusto namin ni Mayor Misa ay maibigay ng Can­delaria ang 100% boto para kay Ebdane,” pahayag naman ni Vice Mayor Pedro Ecunar (PMM), na ka­laban ni Misa sa mayoralty race. Tatlong kandidato sa guber­natorial race na sina Jury Deloso (PMM), Renato Collado (Lakas) at Ramon Lacbain (NP) ang bumi­bitbit kay Ebdane.

Sinuportahan din si Ebdane ng dalawang con­gressional bet ng 2nd district na sina incum­bent Rep. Antonio Diaz (PMM) at Alfred Mendoza (Lakas). 

Nakuha na ni Ebdane ang suporta ng walong alkalde nang makipag-alyansa ito kay ex-Gov. Vic Magsaysay, na tuma­takb ngayon sa mayoralty race sa Olongapo City. Alex Galang

Show comments