^

Probinsiya

Mga susunod na mayor kawawa: Rodriguez lubog sa pagkakautang

-

RIZAL , Philippines   – Umaabot sa P300 milyong pagkakautang sa iba’t ibang banko ang sinasabing mamanahin ng mga susunod na alkalde ng bayan ng Rodriguez mata­pos na matuklasan ng pa­mahalaang panlalawigan ng Rizal ang mga dokumento nito.

Base sa dokumentong isinumite ng Rodriguez Muni­cipal Hall, aabot sa 12 taon bago mabayaran ng mga susunod na alkalde ng nabanggit na bayan.

Ito ang pinaniniwalaang ipamamana ng suspendidong si Mayor Pedro Cuerpo hindi naman mabatid kung saan napunta ang napakalaking pagkakautang ng munisipyo.

Nabatid sa dokumento na pinakahuling umutang ng P175 milyon ang munisipyo ng Rodriguez bukod pa sa naunang P77 milyong utang na payable sa loob ng 20-taon.

Ayon pa sa ulat, awto­ma­tikong kinakaltas ng bangko (loan institution) ang bayad kada taon mula sa tina­tanggap na Internal Revenue Allotment (IRA) sa nasyunal na pamahalaan.

Nangangahulugan na hindi matatanggap ng buo ng bayan ng Rodriguez ang IRA kaya apektado ang pag-unlad nito dahil sa kaka­pusan sa pondo.

Taliwas ito sa kalagayan ng lalawigan ng Rizal kung saan walang utang sa banko at binigyang papuri pa ng ilang ahensiya para sa ma­husay na fiscal manage­ment. Danilo Garcia

AYON

DANILO GARCIA

INTERNAL REVENUE ALLOTMENT

MAYOR PEDRO CUERPO

NABATID

NANGANGAHULUGAN

RIZAL

RODRIGUEZ MUNI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with