Maid ni-rape ng adik
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Napariwara ang buhay ng isang 17-anyos na babaeng kasambahay makaraang halayin ng ‘di-pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang adik sa bawal na droga kahapon ng madaling-araw sa Barangay Patag sa bayan ng Irosin, Sorsogon.
Ang biktimang itinago sa pangalang Mary Rose na nagtamo rin ng saksak sa katawan ay tubong Brgy. Tawag, Bulusan, Sorsogon. Sa police report, pinasok ng rapist ang kuwarto ng biktima.
Matapos isagawa ang maitim na balak ay sinaksak pa ito ng rapist saka iniwang duguan. Nakahingi naman ng saklolo ang biktima sa kanyang amo at naisugod sa Irosin District Hospital. Ed Casulla
- Latest
- Trending