2 NPA patay sa engkuwentro

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Dalawang rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napas­lang ng mga sundalo ng Phil. Army sa naganap na magkahiwalay na sagu­paan sa Camarines Norte at Negros Occidental ka­makalawa.

Naunang nakasagupa ng 201st Infantry Battalion ng Phil. Army ang grupo ng NPA sa Sitio Tigas, Baran­gay Maulawin sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Nor­te kung saan napatay ang ‘di-pa kilalang rebelde. Narekober sa encounter site ang isang M16 Armalite rifle, mga bala at 3 backpack.

Samantala, naka­ sa­gupa naman ng Army’s 302nd Infantry Brigade ang grupo ng NPA sa Sitio Cogon, Barangay Ga­tus­lao sa bayan ng Can­doni, Negros Occidental kung saan napatay ang rebel­deng si Bordet Ga­ringo. Ed Casulla

Show comments