8 tiklo sa illegal fishing
BATANGAS — Walo-katao na sinasabing nagsasagawa ng illegal fishing ang naaresto ng pulisya at mga tauhan ng bantay sa karagatang sakop ng Sitio Campanario, Barangay Payapa sa bayan ng Nasugbu, Batangas kamakalawa ng umaga.
Pormal naman kinasuhan ang mga suspek na sina Joel Borja, 40, boat captain, ng Ayam St, Dagat-dagatan, Navotas, Metro Manila; Ronnie Calong, 39; Rocky Ursal, 24; Baldo Maglinte, 32; Roger Roa, 27; Alex Bueno, 32; Jhirey Teorica, 22; at si Christopher Quisol, 30, pawang nakatira sa Navotas, Metro Manila.
Ayon sa ulat nina SPO1 Nonilon Cabadin at Marlon Limboc ng Bantay Dagat, ang mga suspek na lulan ng F/V Queen Eliosa ay maaktuhang gumagamit ng Hulbot-Hulbot na pangingisda kung saan ipinagbabawal ng municipal ordinance.
Nakumpiska sa mga suspek ang 25 kilo ng ibat ibang isda, isang yunit ng Hulbot-hulbot fishing gear at bangkang pangisda.
Arnell Ozaeta
- Latest
- Trending