KIDAPAWAN CITY, Philippines — Apat katao na pinaniniwalaang sangkot sa carnapping sa Central Mindanao ang inaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon noong Huwebes sa North Cotabato.
Naunang inaresto sa entrapment operations sina Alquizar “GR” Lovino, 25, ng Barangay Osias, Kabacan at Jayson James Arnaiz, 20, ng ARC Phase 3 ng Barangay Paco, Kidapawan City.
Samantala, si Parouk ay naaresto sa bayan ng Antipas, North Cotabato noong Huwebes ng gabi habang si Ching ay nadakma naman sa Digos City, Davao del Sur, kahapon ng tanghali. Malu Manar