Pag-atake inako ng NPA
KIDAPAWAN CITY, Philippines — Inako ng mga rebeldeng New People’s Army ng Valentine Palamine Regional Operations Command sa Far South Mindanao ang isinagawang pagsalakay sa Cafgu detachment sa bayan ng M’lang, North Cotabato.
Sa press statement, sinabi ni Ka Dencio Madrigal, spokesman ng gru po, na aabot sa 35 malalakas na kalibre ng baril at mga gamit ng militar ang kanilang natangay sa detachment sa Luz Village, M’lang.
Umabot sa 14-minuto ang pag-atake laban sa military outpost na ilang kilometro lang ang layo mula sa headquarters ng 57th Infantry Battalion ng Philippine Army. Malu Manar
- Latest
- Trending