CAVITE, Philippines — Isang pulis-Imus na sinasabing sangkot sa kasong kidnapping ang inaresto ng kanyang kabaro sa isinagawang operasyon kamakalawa sa Brgy. Gahak, Kawit, Cavite. Pormal na kinasuhan ang suspek na si PO2 Ryan Nunez, 29, may asawa, ng Narra Homes Subd., Pag-asa 1, Imus. Base sa police report, dinukot ng suspek si Anthony Go, 28, ng Brgy. Caridad, Cavite City matapos na hindi makapagbayad ng P16,000 balanse sa kanilang transaksyon sa bawal na droga.
Humingi naman ng tulong ang utol ni Anthony na si Angelyn sa mga awtoridad kaya nailigtas ang biktima kung saan naaresto ang suspek. Cristina Timbang