Utol ng vice mayor tinodas

BULACAN, Philippines — Napa­aga ang kamatayan ng nakatatandang utol ng bise alkalde makaraang barilin ng ‘di-pa kilalang lalaki na sinasabing nanloob sa bahay ng una sa Barangay Biñang 2nd sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa likurang ba­hagi ng katawan si Chris­topher Santiago, 35, ng Violeta Subdivision at na­katatandang kapatid ni Vice Mayor Jose “Jonjon” San­tiago.

Base sa ulat ni P/Insp. Pablo Tejada, nakapasok ang ‘di-pa kilalang lalaki sa bahay ng pamilya Santiago kung saan iginapos ang mag-asawang Sherry at Christopher at dalawa ni­tong anak na menor-de-edad.

Habang nililimas ng ka­wa­tan ang bag ni Sherry na naglalaman ng P150,000, 6-celpon at laptop ay tu­ma­wag ito sa kanyang kasa­ma­hang kawatan na nag-aabang naman sa labas ng bahay para alertuhan.

Nagawa namang mag-alibi ni Sherry na kunwaring nahihilo at kailangan ng gamot kaya napilitan ang kawatan na kalagan ang misis sa pagkakagapos.

Dito na nakatiyempo si Christoper na tumakbo sa pa­li­kuran para makahingi ng saklolo sa mga kapit­bahay ngunit sinundan siya ng kawatan saka binaril ang pintuan, kung saan ti­namaan ang biktima sa liku­rang bahagi ng ka­tawan.

Nang rumesponde ang ilang kapitbahay ay naka­takas na ang mga ‘di-pa kilalang kawatan.

Show comments