^

Probinsiya

PSG, 1 pa tiklo sa gun ban

-

KAMPO ALEJO SAN­TOS, Malolos City  , Philippines — Ares­tado ang dalawang katao ka­bi­lang ang isang kagawad ng Presidential Security Group na nahulihan ng iligal na baril sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito kahapon.

Sa ulat na isinumite kay OIC Provincial Director P/SSupt. Fernando Villanueva kinilala ang mga suspek na sina Ferdinand Gingco 33, may-asawa, residente ng Brgy. Balatong sa bayan ng Pu­lilan at Albert Lopez 26, bi­nata, residente ng Brgy. Burol 1st sa bayan ng Balagtas.

Ayon sa ulat unang na­aresto si Gingco dakong ala- 1:30 ng hapon habang pa­pasok sa Waltermart Shopping Center na nasa Caga­yan Valley Road, Brgy. Bañ­ga 1st sa bayan ng Plaridel ha­bang nakasukbit ang isang .45 kalibre ng baril at nang ha­napan ng exemption sa gun ban ng Comelec ay wala itong maipakita.

Samantala dakong alas- 3:30 ng madaling-araw ay naaresto naman ni P/SInsp. Jose Sonza si Lopez na may dalang isang paltik na .45 kalibre ng baril at bala sa loob ng 7-11 Convinient Store na nasa isang lugar sa Brgy. Wawa sa bayan ng Balagtas makaraang itawag ito sa pulisya ng alertong security guard na nagmamando sa naturang establisemyento.

Kapwa nahaharap sa ka­song Illegal Possession of Firearms and Ammunition at paglabag sa Omnibus Election Code ang dalawa na kasalukuyang nakadetine sa dalawang himpilan ng pu­lisya. Boy Cruz

ALBERT LOPEZ

BALAGTAS

BOY CRUZ

BRGY

CONVINIENT STORE

FERDINAND GINGCO

FERNANDO VILLANUEVA

ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS AND AMMUNITION

JOSE SONZA

MALOLOS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with