^

Probinsiya

Army Major itinumba

-

MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng Philippine Army mata­pos na pagbabarilin ng hindi pa naki­lalang mga armadong salarin sa naganap na ambush sa Zamboanga City ka­ma­kalawa.

Kinilala ang biktima na si Major Javier Ignacio, 48, na­katalaga sa AFP-Western Min­danao Command (AFP-West­min­com) at resi­dente ng Brgy. Kasan­yangan ng lung­sod.

Batay sa report na naka­rating kahapon sa Camp Cra­me, naganap ang insidente sa harapan ng GSIS sa kaha­baan ng Baliwasan Moret ng lungsod bandang alas-9 ng gabi. Ayon sa imbestigas­yon, ka­­salukuyang lulan ng kan­yang motorsiklo si Ignacio na may JO 2487 at patahak ng Canelar airport galing ng AFP-West­mincom headquarters sa Brgy. Calarian ng mangyari ang insidente.

Agad umanong dinikitan ng dalawang mga arma­dong suspect na sakay din ng mo­torsiklo ang biktima pagsapit sa lugar.

Dead-on-the spot ang bik­tima matapos ma­sapul ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol sa kata­wan.

Nagsasagawa na ng ma­lawakang imbesti­gasyon ang mga awtoridad sa ka­song ito. Joy Cantos

AYON

BALIWASAN MORET

BRGY

CAMP CRA

JOY CANTOS

MAJOR JAVIER IGNACIO

PHILIPPINE ARMY

SHY

WESTERN MIN

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with