^

Probinsiya

2 sasakyan sinunog ng NPA

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Da­­lawang sasakyan ng munisipyo ang sinunog ng mga rebeldeng New Peo­ple’s Army sa panibagong pagha­ha­sik ng terorismo sa Sitio Boay-Boay, Barangay Basak sa bayan ng Mag­pet, North Cotabato ka­hapon.

Ayon kay P/Insp. Luis Pe­derio, hepe ng Magpet PNP, pauwi na ang grupo ni Vice Mayor Villasor lulan ng dala­wang sasakyan mula sa pag­pupulong nang harangin ng mga rebelde na pinamu­mu­nuan ni Commander Ponyong ng NPA Front 53.

Pinababa ang mga lu­lan ng dalawang sasakyan ka­bilang na si Vice Mayor Villa­sor kung saan ilang mi­nuto ang nakalipas ay sinila­ban ang Isuzu Trooper at Toyota Hi-lux na pag-aari ng mu­nisipyo.

Tinangay ng mga rebel­de ang ilang celfon at iba pang personal na gamit ng mga biktima kung saan ayon kay Pederio ay humihi­ngi ng permit-to-campaign fee ang mga rebelde mula sa grupo ni Villasor.

Bagama’t ‘di sinaktan ang grupo ni Vice Mayor Vi­lla­sor, nag-iwan naman ito ng iba­yong takot at pa­ngamba.

Kasama ni Villasor ang anim na konsehal, barangay official na kandidato sa pagka-konsehal, civilian escort, at dalawang iba pa.

Nabatid na si Mayor Efren Pinol ang target ng mga re­belde subalit ‘di na­ka­sama dahil may dina­luhang kasalan.

Inamin ni Mayor Pinol na nakatanggap na siya ng mga text message mula sa NPA at humihingi ng permit-to-campaign fee subalit na­nindigan siyang ‘di-mag­bigay. Malu Manar

BARANGAY BASAK

COMMANDER PONYONG

ISUZU TROOPER

LUIS PE

MALU MANAR

MAYOR EFREN PINOL

MAYOR PINOL

NEW PEO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with