MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P8 milyong halaga ng ari-arian na gamit sa irigasyon ang naabo makaraang sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang apat na heavy equipment na proyekto ng National Irrigation Administration sa bayan ng Sta. Josefa, Agusan del Sur kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na nakarating sa opisina ng hepe ng AFP- Civil Relations Service na si Brig. Gen. Francisco Cruz, bandang alas-9:15 ng gabi nang umatake ang grupo ni Kumander Jamal sa compound ng NIA irrigation project sa Sitio Baclisi Angas. Walang nagawa ang mga kawani ng Marbelt Company sa matinding takot kung saan sinunog ng mga rebelde ang tatlong backhoe at isang bulldozer na ginagamit sa irrigation project.
Sa teorya ng mga awtoridad na pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng NPA. Joy Cantos