^

Probinsiya

2 katao tumba sa shootout

-

BATANGAS, Philippines — Du­guang bumulagta ang da­lawang lalaki samantalang sugatan naman ang isa pa na sinasabing asset ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa naganap na pamamaril kamakalawa ng hapon sa Tanauan City, Batangas.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, Ba­tangas police director ang dalawang napaslang na sina Rico Marasigan, 27; at Ronnie Suruela, 26, kapwa nakatira sa Barangay Ma­ra­ouy, Lipa City, Batangas.

Sugatan naman ang asset ng PDEA na si Jimwel La­tesa, 29, na naisugod sa CP Reyes Hospital sa na­bang­git na lungsod.

Base sa police report, kausap ng tatlong biktima sina Teddy Fajardo at Florencio Llamado sa loob ng bahay ni Fajardo sa Barangay Trapiche nang bigla na lang magtalo ang mga ito sa hindi nabatid na dahilan hanggang sa pa­pu­tukan ni Fajardo ang mga biktima bandang alas-2:45 ng hapon.

Mabilis na nakatakas si Fajardo bitbit ang baril na ginamit samantalang ini­imbestigahan naman si Llamado sa himpilan ng pulisya.

Pinaniniwalaan namang may kaugnayan sa bawal na droga ang isa sa isyu na pinagtalunan kaya na­uwi sa pamamaril.

ALBERTO SUPAPO

BARANGAY MA

BARANGAY TRAPICHE

BATANGAS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FAJARDO

FLORENCIO LLAMADO

JIMWEL LA

LIPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with