Puganteng PNP colonel tiklo

MANILA, Philippines - Naaresto ang retiradong police colonel na isinasangkot sa pagsu-supply ng mga baril sa angkan ng mga Ampatuan na ginamit sa Maguindanao massacre sa isinagawang follow-up operations sa Davao City kahapon ng umaga. Si (ret.) P/Supt. Piang Adam ay muling nasakote ng pulisya matapos ang ilang linggong pinaigting na surveillance operations at intelligence monitoring sa pinagtataguan nito sa Block 30, Lot 7 na pag-aari ni Nel Avena. Sa tala ng pulisya, si Adam ay pumuga sa Sultan Kudarat Provincial Jail noong Pebrero 16 kaugnay ng kaso nitong malversation of public properties sa pagkawala ng mga baril at bulto ng mga bala na sinasabing isinuplay nito sa mga Ampatuan. Joy Cantos

Show comments