^

Probinsiya

Ambush: Mayoralty bet sugatan

-

MANILA, Philippines - Isang  mayoralty bet ng Liberal Party ang iniulat na nasugatan makaraang tambangan ng mga armadong lalaki sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Liberal Party mayoral bet Apolinar Martinez na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa likurang bahagi at kasalukuyang bise alkalde sa bayan ng Pagbilao, Quezon. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, pauwi na ang biktima lulan ng government vehicle nang harangin at ratratin ng armadong lalaki. Nagawa pang magmaneho ng biktima hanggang sa makarating sa police detachment sa panulukan ng Diversion Road at Gulang-Gulang road. Pinaniniwala­ang may kinalaman sa pulitika ang naganap na pana­nambang. Joy Cantos

APOLINAR MARTINEZ

CAMP CRAME

DIVERSION ROAD

GULANG-GULANG

ISANG

JOY CANTOS

KINILALA

LIBERAL PARTY

LUCENA CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with