NUEVA ECIJA, Philippines – Isang mister na sinasabing walang pambayad sa ataul ng kanyang misis na namatay ang nagbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Bibiclat sa bayan ng Cuyapo sa Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Bandang alas-11:30 ng umaga nang matagpuan si Roger de Vera, 39, na nakabitin sa kisame ng kanyang bahay. Narekober ng pulisya ang suicide note ng biktima na nakiusap sa kanyang uncle Mel na huwag ibibigay ang mga anak sa kanyang mga utol at magulang. Binantaan pa ng biktima ang kanyang tiyuhin na hindi patatahimikin kapag hindi nasunod ang kanyang habilin. Christian Ryan Sta. Ana