GoverÂnor Mendoza mananatili sa puwesto
MANILA, Philippines - Patuloy na mananatili sa puwesto bilang gobernador ng Bulacan si Joselito “Jonjon” Mendoza.
Ayon kay Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Midas Marquez, siyam na Mahistrado ang puma bor sa pananatili sa puwesto ni Mendoza, 4 dito ang hindi pumabor habang dalawa naman ang hindi nag-participate sa botohan.
Sa desisyon ni SC Associate Justice Jose Perez, pinaboran nito ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Mendoza na humihiling na baliktarin ang naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) en banc na nagsasabi na si Roberto Pagdanganan ang nanalong gobernador ng Bulacan.
Nakasaad pa sa desisyon na mayroong grave abuse of discretion sa panig ng Comelec nang ipalabas nito ang desisyon na nagsasaad na si Pagdanganan ang nanalo.
Nilinaw naman ni Marquez na maari pa ring maghain ng motion for reconsideration ang kampo ni Pagdanganan kaugnay ng nasabing usapin.
Kaagad ipinalabas ng Supreme Court ang desisyon dahil ito ang huling araw ng status quo ante-order ng Mataas na Hukuman kung saan noong nakalipas na linggo pa sana natapos subalit nabigo ang mga Mahistrado na magdesisyon kaya pinalawig pa ng isang linggo kung saan kahapon natapos ang kanilang deadline. Gemma Amargo-Garcia
- Latest
- Trending