Pulis arestado sa rape

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang pulis kaugnay sa kasong rape makaraang arestuhin sa loob ng Camp Simeon Ola sa Legazpi City, Albay kahapon ng umaga.

Walang piyansang ini­rekomenda ang korte laban kay PO1 Dennis Duran, 31, nakatalaga sa 5th Regional Public Safety Management Battalion at residente ng Barangay Pistola sa bayan ng Oas, Albay.

Base sa reklamo, ang suspek ay nahaharap sa kasong rape na isinampa ng isang 23-anyos na da­laga ng Barangay San Isidro, Iriga City.

Lumilitaw na naganap ang panghahalay sa boarding house ng dalaga sa Naga City noong gabi ng Setyembre 21, 2009

Hindi na nakapalag si PO1 Duran sa pagkaka­aresto matapos magpa­labas ng warrant of arrest si Judge Pablo Cabilan Formaran III ng Naga City Regional Trial Court Branch 21. Ed Casulla

Show comments