Mag-ama dinedo ng NPA

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hindi nakapagbigay ng revolutionary tax ang mag-ama kaya pinagbabaril hang­­gang sa mapatay ng mga rebel­deng New People’s Army sa Barangay Bag-og­tan sa bayan ng Matu­gui­nao, Samar kamakalawa.

Kapwa duguang bumu­lagta ang mag-amang sina Doming de la Cruz, 50; at Junie de la Cruz, 22 ha­bang sugatan naman si Mylene, 20, kung saan na­ka­ligtas ang asawa at anak nitong sina Juvic, 24; at Joshua, 2.

Base sa police report na na­karating sa Camp Cra­me, bandang alas-6 ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang farmhouse ng pamilya de la Cruz at isinagawa ang pamamaslang.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na nairita ang mga rebelde sa pagtanggi ng matandang de la Cruz na magbayad ng revolutionary tax.

Bukod dito, naghihinala rin ang NPA na ang mag-aama ay asset ng militar na nagbibigay ng impor­mas­yon laban sa illegal na akti­bidades ng mga rebelde.

Base sa tala ng militar, naunang sinalakay ng mga rebelde ang nabanggit na farmhouse noong 2007 kaugnay sa hinihinging buwis.

Show comments