P1M ari-arian naabo

PANGASINAN, Philippines — Aabot sa P1 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy kung saan isang 51-anyos na lalaking may kapan­sanan ang iniulat na namatay sa na­ganap na sunog noong Biyernes sa Barangay Po­bla­cion sa Alaminos City, Pangasinan.

Sa police report, nasu­nog ang dalawang pala­ pag na apartment kung saan hindi na nakalabas pa si Ge­ronimo Ramiscal na naku­long sa kanyang ku­warto. Posibleng faulty elec­trical wiring ang isa sa pinagmu­lan ng apoy. Cesar Ramirez

Show comments