^

Probinsiya

P.8M nalimas sa supermart

-

SOLANO, Nueva Viz­caya , Philippines  — Nilooban ng mga hin­di pa nakikilalang grupo ang pinakamalaking supermarket sa bayan ng So­lano, Nueva Vizcaya kama­kalawa ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng mada­ling-araw nang pasukin ng mga ‘di-pa kilalang kalala­kihan ang Son Miguel (SM) Supermart matapos igapos ang guwardiya na naka-duty sa nasabing establi­s­yemento.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Dexter Divad ng Solano PNP, dumaan ang mga magnanakaw sa mis­mong harapan ng supermarket matapos sirain ang mga padlock at ta­ngayin ang mga cash at mga ma­mahaling paninda sa loob ng mart.

Ang halaga ng pera na nakuha sa loob ng kaha ay tinatayang aabot sa P.5 milyon hanggang P.8 mil­yon subalit nilinaw ng pu­lisya na hihintayin pa nila ang official na inventory upang malaman kung mag­kano ang nakuha kabilang na ang halaga ng mga pa­ninda na tinangay ng mga magnanakaw.

Sa kasalukuyan ay nag­sasagawa pa ng imbesti­gasyon ang pulisya sa tulong ng guwardiya na nagsabing mamumukhaan niya ang mga kawatan kung makikita niya ang mga ito. Victor Martin

vuukle comment

AYON

DEXTER DIVAD

NILOOBAN

NUEVA VIZ

NUEVA VIZCAYA

SHY

SON MIGUEL

SUPERMART

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with