Tinodas ni bayaw

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines — Isang mister ang pinagtataga hang­gang mapatay ng kanyang bayaw matapos magtalo ka­maka­lawa ng gabi sa Ba­rangay Banadero, Da­raga, Albay. Nakilala ang bik­tima na si Dante Rayel, nasa hustong gulang, may asawa at re­sidente ng natu­rang lugar. Ang suspek na bayaw ng biktima na kaagad na­ man na tumakas ay kinila­lang si Aldrin Millena, nasa hustong gulang at residente rin ng Ba­nadero. Lango sa alak sina Rayel at Millena nang mag­karoon sila ng mainitang pagtatalo hang­gang kumuha ng itak ang suspek at pi­nagtataga ang biktima. Ed Casulla

Show comments