Tanod nang-hostage

MANILA, Philippines - Isang 37 anyos na baran­gay tanod na si Norman Basil ang binaril, nasugatan at naaresto ng mga pulis na tinangka niyang itakin sa halip na palayain ang da­lawang batang sina Je-Lam Jimenez, tres anyos, at An­thon Daniel Jimenez, sais anyos, na kanyang binihag sa naturang lugar sa Rosary Heights 3, Cotabato City ka­makalawa ng hapon. Naha­harap ngayon sa kasong kri­minal ang suspek na uma­ming naburyong lamang siya kaya hinostage niya ang mga biktima. Joy Cantos

Show comments