Shabu queen tiklo

SAN JOSE DEL MON­TE CITY, Bulacan, Philippines — Sa wa­kas ay bumagsak na din sa ka­may ng batas ang tinagu­riang shabu queen sa siyu­dad sa isang drug buy bust operation ng pulisya sa isang Barangay San Manuel dito kahapon ng umaga.

Sa ulat na isinumite ni P/Supt. Edwin Quilates kay OIC Provincial Director P/SSupt. Fernando Villa­nueva, kinilala ang suspek na si Saida Ro­meo, 37, may-asa­wa, resi­den­te ng Phase 12 Riverside, Ba­rangay Ba­gong Silang, Caloocan City at nakatala sa order of battle ng lokal na pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang limang gra­mo ng shabu na nag­kaka­halaga ng .2 milyong piso kabilang ang P 200,000 cash at dala­wang cell pone na ginagamit sa transaksyon ng iligal na droga. Boy Cruz

Show comments