Jobless nagbigti

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Dahil sa ma­tinding kahirapang kina­kaharap ng kanyang pa­milya, isang mister ang nagbigti sa puno ng mangga kahapon ng madaling araw sa Barangay Magurang, Polangui, Albay.

Nakilala ang biktima na si Gorgonio Camoral Jr., 37, may asawa, walang trabaho at residente ng naturang lugar.

Napagalaman na ma­tagal nang nagrereklamo ang mister sa kanyang mga kapa­milya dahil sa kahirapan ng kanyang nararanasan at dahil wala ring makuhang trabaho.

Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na hindi na makayanan ng mister ang kahirapan kaya mina­ buti na lamang nitong wa­kasan na lamang ang sa­riling buhay. Ed Casulla

Show comments