KIDAPAWAN CITY, Philippines - Pinaniniwalaaang may kaugnayan sa clan war ang isa sa motibo kaya niratrat hanggang sa mapatay ang tatlong miyembro ng pamilya habang dalawang iba pa ang nasugatan sa naganap na masaker sa liblib na bahagi ng Barangay Crossing Busaon sa bayan ng Banisilan, North Cotabato kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa mga napaslang ay ang mag-amang sina Abdilla Abdul, 60; anak na si Noria Abdul, 27 at si Kagui Pasigan.
Isinugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Daumul Akmad at Dabay Abdul, 52, misis ni Abdilla.
Sa ulat ni sinabi ni P/Senior Supt. Norberto Batislaong, police provincial director, naganap ang pamamaslang bandang alas-10 ng gabi kung saan magkakasamang nanonood ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan.
Nabatid na nagmamakaawa na ang mag-asawa sa mga armadong kalalakihan subalit isinagawa pa rin ang brutal na krimen.
Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng M16 at M14 Armalite rifles habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.