Mag-utol natusta sa sunog
PANGASINAN, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang naganap sa mag-utol na batang babae makaraang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Bari sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang mag-utol na sina Zarich Dana Delos Santos, 3; at Venez Anexa, 2. Nabatid na bago maganap ang sunog ay magkasamang nananghalian ang mag-iina sa loob ng kanilang bahay. Matapos makapananghalian ay iniwan ng ina ang kanyang dalawang anak para maglaba ng damit sa kalapit na poso. Hindi naman akalain ang ina na masusunog ang kanilang bahay kung saan nakulong ang mag-utol. Napag-alamang nasa Maynila ang ama ng mag-utol. Cesar Ramirez
- Latest
- Trending