CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mag-utol na lalaki ang mag-ama na naghahapunan sa loob ng kanilang tahanan kamakalawa ng gabi sa Sitio Gutusan, Barangay Cayabon sa bayan ng Milagros, Masbate. Magkasalong naghahapun ang mag-amang Rolando Bringuela at Rocky Bringuela, 2, nang ratratin ng mga suspek na sina Archie Padilla at Nongnong Padilla. Ayon sa police report, ang mga suspek ay dumaan sa kusina ng bahay ng mag-ama saka isinagawa ang pamamaslang. Ed Casulla